Monday, August 13, 2007

All about the 'Do

LUNES BAGO ANG PARTY

ME : Hindi ko na ata kakayanin pang magpunta ng parlor para magpa hot-oil or magpa highlight. Pwede bang pupunta na lang ako sa salon sa Sabado ng umaga para magpa-hair and make-up?

RONEY : Sige. Pero wag kang masyadong magpapaganda ha. Hapon yun at children's party pa!

ME : Syempre naman.

MIERCOLES BAGO ANG PARTY
Hindi ako nakapasok kasi bumabagyo

MOTHER-IN-LAW (MIL) : Ah, hindi ka pala aalis. So, hindi pala ako ang magbabantay kay Baby Jadon. Pwedeng-pwede akong magtina ng buhok.

ME : Sige po. Ako na lang po ang bahala. Baka sa Sabado ako magpunta sa parlor.

MIL : Dun ka na lang sa Ever Mall magpunta. Meron dung ___________. Di ba sikat yun dati?

ME : O sige po. Ita -try ko yun.

BIERNES BAGO PARTY
Ka-chat ko si I

ME : Uy, pupunta ako ng salon bukas ng umaga.

I : Talaga? Iniisip ko ring magpaayos ng buhok sa birthday party ng aking anak na si E.

ME : Syempre, dapat maganda tayong mga nanay sa birthday ng mga anak natin para hindi nila tayo ikahiya pag pinakita na nila ang pictures sa mga kaibigan nila. Magpapa hair and make-up ako...

I : Papa-make-up ka rin? Ako, baka hindi na. Baka kasi mag-iba ang hitsura ko eh.

ME : Honga no? Sige, baka hindi na rin ako magpapa-make-up. Papadalhan na lang kita ng pics sa Monday.


UMAGA NG PARTY
Sa Salon

STYLIST : Ma'am ano po ang gusto nyong ayos?

ME : (Naku, wala pala silang bading dito. Itong me edad na babae pala ang mag-aayos sa akin!) Kasi po ang event po na aatenan ko eh FIRST birthday party po ng anak ko mamayang HAPON. So, kung pwede pong hindi formal.

STYLIST : Ok po. Sige po. French Twist na lang po ang gagawin ko sa inyo. Maganda po yun.

ME : (Huwat???!!!) Naku, pang-formal yung French Twist, di ba? Pwede po bang nakaladlad yung hair, pero hindi sumasagi sa mukha. Maganda siguro kung itirintas po yung kalahati?

STYLIST : Sige kalahati na lang.

hair-spray. mousse. tease ang aking hair. teka, teka....

ME : Ay, excuse me po. Di ba ititirintas yung buhok ko?

STYLIST : Ah, ititirintas ba? Maganda kasi pag itatali lang natin tas aartehan sa likod.

ME : (Grrrr....) Itirintas na lang po natin.

STYLIST : O sige.

pagkatapos ng ilang minuto, mukhang matatapos na...

ME : (kelangang i-text ko na si Roney para sunduin na ako. Message: Am Finished!)

hinarap ako sa salamin

STYLIST : Oh, okay na ba yan?

ME : (Hmm... hindi pantay!) Ito pong side na ito, baka pwedeng suklayin? (flattening my hair)

STYLIST : Okay. Teka, ulitin natin.

tinanggal ang pagkaka-tirintas ng buhok ko!

ME : (Sana wag dumating agad si Roney.)

STYLIST : Artehan natin sa likod.

ME : Naku, oks lang po kahit tali lang yan. Hindi naman po formal ang event eh.

at nang matapos na...

STYLIST : Make-up, gusto mo?

ME : Hindi. Ok na po ako sa buhok ko. ^_^



*************************************
Conversations that took place may not have been published in verbatim.

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

peechurs?

Wednesday, August 15, 2007 7:17:00 AM  
Blogger Dyes said...

no pics just yet :( will email or post once i got them :)

Wednesday, August 15, 2007 7:28:00 AM  

Post a Comment

<< Home