JR jr.
Next year. 2006. Yan naman talaga ang plano namin. Maging tatlo sa 2006. Pero, kung ako ang masusunod, October sana ang delivery date. Bukod sa maganda ang temperatura (hindi na tag-ulan), eh yun yung time na marami ng kaibigan ang bata sa school. Na-establish na kumbaga ang friendship niya sa ibang kaklase kaya pag nag party siya, marami ang pupunta.
Syempre excited si hubby. Gusto na nyang mag next year! Kaya naman, naisip nya na mag-"practice" ngayong November. Kaya practice kasi hindi sa mismong fertile peak kami mag-conceive kundi isang araw before and after my most fertile days.
Ngayon, after seven days of being delayed (na never namang nangyari sa akin kasi ako na ata ang may pinaka regular period sa buong mundo) and two negative home pregnancy tests (isang expired at isang hindi), hindi pa rin kami sure na meron na ngang Jesselyn Rose Jr.
Ang hirap talaga ng waiting period. Mas malala pa ito kesa nung hinihintay ko yung result sa bar exams. Kinakabahan tuwing magsi-CR kasi baka mag-red flag at sobrang tuwa naman pag hindi pa! Parehas lang daw talaga kasi ang symptoms ng me darating na bisita at me taong bahay na. Haay, kaloka na talaga!
Di bale, kahit anong sabihin ng hpt, naniniwala kami ni hubby na bibigyan (o binigyan na?) kami sa takdang panahon.

5 Comments:
ay kaloka nga, pati ako excited! tagumpay yata ang practice hehe. naku, pag nagkataon you'll have a very early xmas gift :)
relax ka lang, and happy thoughts. sabi nga, kung hindi ukol, hindi bubukol (ang tiyan, hehe). *muah*
hi meeya!
sobrang naloloka na talaga ako, este kami pala! gusto ko na talagang maging certain kung positive o negative para makapunta na agad ng parlor pag negative o kaya sa baby stores kung positive.
(pero atin-atin lang to ha, one-day delayed pa lang ako pero bumili na agad kami ng babyplus! di rin kami excited noh? hehehe)
hi dyes, great to see this post. balitaan mo kami ha? i'm sure that whatever's the outcome, it is God's will. :-)
all the best to you and roney for your JR jr.!
I am sure meron na! There is something about this year, ang daming nabubuntis! Nawa'y isa ka na doon!
judy and mariel,
thanks! thanks!
we're getting more and more excited each day of delay. as of today, we're eleven days without.
Post a Comment
<< Home