Tuesday, February 21, 2006

Panaginip

Dati ko pang gustong mapanaginipan ang baby ko. Nais ko syang magparamdam sa akin sa pamamagitan ng panaginip.

Noong isang gabi, dumating na ang oras na pinakahihintay ko. Pero, ang weird. Eto ang aking panaginip:

Lumabas kami ng elevator sa 2nd floor ng condo. Karga ni Roney ang bata na 1 and 1/2 years old na; naka-dress na white ang aming baby girl. Merong toy store sa kanan namin at isang toy ang nakalabas. Pinakita ko ito sa aming baby na kinuha naman. Kaso, ayaw ng ibalik. Kinuha ko si baby kay Roney at naghanap kami ng isang sulok. Pagbaba ko sa baby, naka brown na jumpsuit na sya at naging lalaki! Kamukhang kamukha ni Roney pero kasing kulay ko. "Do you want nanay to scold you in front of these people?" sabi ko sa kanya. "That is not your toy. You have to return it. Your nanay and tatay are not going to buy that toy because you don't need it. You have so many toys in the house already." Ayun, mula sa pag-iyak, unti-unti na syang humihikbi hanggang sa hindi na umiyak at ibinalik ang laruan.

Since November, feeling namin eh girl si baby. Pero, nung nag-check uli kami sa chinese calendar, it's a boy! Sabi ng mga tao, blooming daw ako kaya siguro eh babae raw si baby. Taliwas naman ang sinabi ng bisita namin kagabi; lalaki raw ang anak ko at nakita nya sa mata ko. So, hanggang ngayon, matalinhaga pa rin ang gender ni baby.

1 Comments:

Blogger Dragon Lady said...

oh, do keep us posted. :)

it's still too early to determine your baby's gender. boy or girl man yan, what's important is that both mom & baby are healthy.

take care!

Tuesday, February 21, 2006 10:04:00 PM  

Post a Comment

<< Home